Blog EntryNung nagdadalaga o nagbibinata ka na:Mar 8, '07 8:26 PM
for everyone

1. mahilig kang magsulat ng slumbook at laging sagot mo....judge me na lang...many to mention...secret....p.e.d.r.o.s.....love is blind...love is like a rosary...at kung anu2 pang churva

2. crush na crush mo si eric fructuoso, jomari at mark anthony

3. favorite dance group mo UNIVERSAL MOTION DANCERS

4. favorite dance hit mo ALWAYS.....I WANNA BE WITH YOU & MAKE BELIEVE IN YOU.....butterfly!!!hehe

5. at syempre kilig na kilig ka kay wowie

6. cute na cute ka sa bangs ni keempee

7. inis na inis ka kay gladys dahil lagi nyang inaapi si judy ann (mara clara)
8. nasan na kaya si anna luna?


9. favorite love team mo si angelu at bobby andrews


10. nagmamadali ka umuwi para mapanood si marimar......at makita ang mabuhok na dibdib ni sergio


11. ginagaya mo maglakad si corazon at minsan si nora aunor..


12. hindi uso ang lipstick....candy na lips lang ok na at kung gipit ka talaga yung crepe paper na red kahit mapakla!!!

13. dahan dahan ka gumamit ng panyo mo dahil matatapon ang pulbos..


14. may kisses kang collection at pinaaanak mo pa..


15. pag cologne mo angels breath at nenuco...sosyal ka!!!


16. naiinis ka dahil lagi mong natatanggap na exchange gift sa xmas party...photo album, panyo , figurine, picture frame at madalas yun din ang binili mo!!! o di ba?


17. sa monita monita ang something funny na sikat ay yung tae sa blue magic, condom, napkin, o kaya pekeng ipis,,,,etc...


18. naabutan mo pa ba ang cindys? hanggang ngayon ba kumakain ka sa tropical hut?


19. kapag linggo lagi kang nanunuod ng LOVINGLY YOURS, GMA SUPERSHOW, MEL & JAY, EYE TO EYE at naiinis ka pag tinatanong nya kung kilala sya at sasabihin ng nawawalang bata..."opo, inday badiday po"


20. kahit masakit na ipin mo bili ka pa rin ng bili ng tubo na nilalako sa kariton....


21. hindi na uso aratilis...santan na kaya wala ng paru paro kasi inagawan mo!!!adik!!!


22. naabutan mo ba ang tivoli?....wala na ba nun ngayon?

23. ang get up mo....bistidang spaghetti strap at may tshirt na puti na panloob at wag ka...nakaboots kang itim at puti ang medyas mo...ganda mo diba?hehe


24. nagkakuto ka ba?....jan sumikat si judy ann...medicare....umamin ka wag kang plastik!!!!!


25. ang lagi mong sagot sa favorite hollywood actress....brooke shields...buhay pa sya di ba?


26. nanonood ka rin ng coney reyes on camera at joe d mango love notes...tuwing haloween takot na takot ka manood ng magandang gabi bayan...at si noli de castro nagdidisappear at syempre background nya sementeryo.


27. takot na takot ka kay julie vega. halaaaaa......
28. idol band mo...introvoys at syempre crush mo si paco arespacochaga...


29. pag 1:30 na cristy ferminute na at syempre pag 4:30 na ...ANG TV na!!!


30. usong uso ang phone pal at pen pal at pag may beeper ka, ang yaman mo!!!!


31. ang celphone ng rich classmate mo motorolla microtac na may mahabang antenna at islacom ang line.....first cellphone mo nokia 909 na smart bill crusher pa....at ang nokia 5110 bwisit nabili ko ng P11,000!!!!


32. hindi uso ang silver noon....laurenti.


33. ang mga barkada ng mommy mo mga dealer ng tupperware.


34. pag may sakit ka kinakain mo, alphabet noodles.

35. mahilid ka pumapak ng milo, condensed milk, cheezwiz, powdered milk, peanut butter, cocojam..


36. favorite candies mo...hawhaw...anu bang tawag dun sa oscha ng intsik yung pink na maasim?....mahilig ka rin sa champoy, kiamoy at kundol....


37. nagbabasa ka ng funny komiks...remember niknok at planet op di eyps?


38. favorite american program mo...baywatch...(at dun ka unang nakakita ng malalaking boobs!)...dr. doogie howser (tama ba spelling ko? hehe)


39. ginagaya mo ang magic ni faye sa okay ka fairy ko.


40. idol mong comedian si rene requestas


41. nagalaga ka ba ng tamagochi?

42. inggit na inggit ka sa classmate mong may CASIO ORGANIZER


43. may brick game ka.


44. naglalaro ka ng pick up sticks.

45. naglalaro ka ng sungka kahit sabi ng lola mo masama yun.


46. mahilig ka mag-flames. at he loves me he loves me not.


47. meron kang walk man.


48. ang galing galing mong magrunning man at roger rabbit.

49. favorite mo ang macarena at lambada!


50. ang medyas mo neon green, neon pink o kaya doble at kumusta naman ang amoy ng paa mo di ba?


---follow up lang ito ng "nung bata ka pa"..
kung nakakarelate ka, mga 22 and up ka na...kung hindi, di wag!!!hehehe....


pacotiny wrote on Sep 24, '07
wow! number 28! thanks!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help